Marami po akong nababasang mga tanong ng mga kababayan nating nasa household service sector tungkol sa kanilang gratuity, o end of service bonus. 'Anila, sila ba ay may karapatan o entitled para tanggapin ito mula sa kanilang mga amo?
Ang sagot, 'Opo'. Sila po ay entitled o may karapatang tanggapin ito kapag sila ay nakapagtrabaho na sa kanilang amo ng hindi bababa sa isang taon, alinsunod sa Section 15 ng Qatar Law No. 15 of Aug 2017 o mas kilala sa tawag na Qatar Domestic Workers Law.
Dati noong hindi pa naisasabatas ang Domestic Workers Law, ang usaping gratuity ay applicable lamang sa mga manggagawang saklaw ng Qatar Labor Law (Law No. 14 of 2004, as amended), meaning hindi po kasama rito ang mga domestic workers. Ganun pa man, ang probisyon ng end of service bonus sa mga domestic workers kahit noong wala pang domestic workers law ay 'contractual' meaning dapat ito ay malinawag na nakasaad sa kontrata nya. Ang maganda noon, sa ilalim ng pagkakasunduan ng pamahalaan ng Qatar at Pilipinas, ang usaping ito ay tinitiyak ng ating POLO/PEOA sa mga kontrata para sa mga domestic workers, kasama ang standard minimum wage na 400 USD. Ngayon, simula ng ipatupad ng pamahalaan ng Qatar and Domestic Workers Law (Law No. 15 of Aug 2017), ang end of service bonus ay nakatakda na, which means na dapat ito ay tuparin ng mga employers sa kanilang mga domestic workers.
Kung meron pa po kayong mga katanungan, maaari nyo pong e-komento rito sa post, o mag post ng tanong dito sa Qabayan Forum.