Marami pa rin ang nalilito ang pang-unawa sa tinatawag na 'gratuity' o end of service compensation, at sa annual leave. Ang pagkalito, 'anila, ang gratuity diumano ay 21 days bawat taon sa unang taon hanggang limang taon, at magiging 28 days o isang buwan ito kapag ang manggagawa ay nakapagtrabaho na ng lampas sa limang taon sa kompanya.
Mali po ang ganyang pag-intindi. Ang totoo nyan, ang ganyang pang-unawa sa probisyon ay napapaloob sa lumang labor law (Law No. 03 of 1962). Sa lumang batas na yan, ang end of service compensation kung tutuusin ay apat na klase, alinsunod sa Chapter 4, Section 24/25:
three weeks kapag ang mangagagawa ay naka-kompleto ng 1 - 5 years sa kompanya
four weeks kapag ang manggagawa ay naka-kompleto ng lampas sa 5 hanggang 10 taon.
five weeks naman sa susunod na 10 pang taon, at
six weeks sa susunod pang 20 taon.
Subalit ang mga nasabing mga probisyon ay na-supersede na ng probisyon ng bagong Qatar Labor Law (Law No. 14 of 2004, as amended), Article 53. Sa bagong batas na ito, ang gratuity o end-of-service compensation ay nakatakda sa basic wage sa loob ng three weeks (21 days) bawat taon, kapag ang manggagawa ay nakakompleto ng at least 1 year ng pagtatrabaho sa kompanya. Hindi na po rito tinukoy na tataas ito sa four weeks, five weeks o six weeks kapag ang manggagawa ay naka kompleto ng 5, 10 at 20 na taon sa kompanya. Samakatuwid, ang isang mangagagawa ay entitled na o dapat ng makatanggap ng gratuity kapag sya ay nakakompleto ng at least 1 year ng pagtatrabaho sa kompanya equivalent sa minimum na three weeks o 21 days basic wage kada taon. Take note din na minimum po ang pinag-uusapan dito. Samakatuwid, ang kompanya ay maaaring magbigay ng mas higit pa.
Ibang usapin naman sa annual leave. Ayon sa Article 79 ng Qatar Labor Law (Law No. 14 of 2004, as amended), kapag ang manggagawa ay nakapagtrabaho ng ng at least isang taon sa kompanya ay entitled na ito sa bayad (may sweldo pa rin) na taunang bakasyon (paid annual leave) na katumbas sa three (3) weeks kapag nakakompleto sya ng isa hanggang limang (5) taon, samantalang magiging katumbas ito ng four weeks (28 days) kapag ang manggagawa ay nakapagtrabaho na ng lampas sa limang taon. Bagama't taunan o every year dapat ang annual leave (kaya nga 'annual'), may karapatang magpasya ang mga employers kung kelan ang petsa ng pagbakasyon ng mga manggagawa alinsunod sa operational requirements ng kompanya. Pero hindi ito nangangahulugan na mawawala o mababalewala ang karapatan ng mga manggagawa na magbakasyon alinsunod sa probisyon ng labor law. Maaaring e monitize o e convert sa katumbas na halaga kapag hindi nagamit ang annual leave credits ng manggagawa. Sinasabi rin sa batas na dapat ibigay ng mga kompanya ang bayad sa manggagawa para sa kanyang taunang bakasyon bago pa man ito lumipad/umalis. para sa kanyang bakasyon.
Kung meron po kayong mga kaugnay na mga katanungan ay maaari nyo pong e comment sa baba.