Ito ang madalas na tanong ng ating mga kababayan na nababasa ko sa iba't ibang site o social media. Malinaw po ang sagot ng batas dyan, partikular sa Article 8 ng Law No. 21 of 2015 o mas kilala sa tawag sa wikang English na - a law that regulates the entry, exit and residency of expatriates, o tinatawag ring 'residency law' sa mas maikli pang tawag.
Ang sinasabi ng Article 8 ng nasabing batas, bagamat kinakailangang kunin ng employer ang passport ng worker, pero ito ay sa layuning kaugnay sa pagproseso ng residency permit o renewal nito at kinakailangan nya (employer) na ibalik ito sa worker kapag natapos na ang proseso ng residency permit. Subalit may exception po ito, dahil sinasabi rin ng batas na 'maliban na lang kung ang worker ay nagpapahintulot sa employer sa pamamagitan ng isang sulat na pinapayagan ang employer na hawakan o itago ito para sa seguridad (safe keeping) at kinakailangan ding ibalik kaagad ng employer sa worker kung kukunin na ito ng worker. Maaaring mapatawan ng multa ang employer na nagtatago ng passports ng mga workers ng walang nakasulat na waiver o pahintulot ng mga workers sa halagang di lalagpas sa QR25,000.
Meron ka bang mga tanong na nais mabigyang linaw? Maaari mong e comment o kaya ay mag-post ka dito sa Qabayan Forum. 😍