Ito rin ang madalas na tanong ng iba nating mga Qababayang nasa household service sector. Ang sagot po diyan ay 'depende'. Ayon sa Section 9 ng Law No. 15 of 22 Aug 2017 o mas kilala sa tawag na Qatar Domestic Workers Law, ipinagbabawal sa employer na dalhin ang kanilang mga domestic worker sa labas ng bansa para doon magtrabaho nang walang pahintulot ng domestic worker. Ang ibig sabihin po nito, hindi pwedeng pilitin ng employer ang domestic worker na dalhin o ilabas ng bansa (Qatar) para doon sa ibang bansa magtrabaho kung ayaw po ng domestic worker. Pero kung pumayag naman po ang domestic worker, ito po ay pinapahintulutan ng batas.
Kapag ito po ay nangyari o pinilit ng employer and domestic worker na isama sa labas ng bansa para doon magtrabaho, ito po ay sapat na dahilan para putulin na ng domestic worker ang kanyang work contract kahit hindi pa ito tapos, nang hindi mawawala ang kanyang karapatang tanggapin ang end-of-service bonus, at karapatan din nyang maiuwi sa Pilipinas sa gastos ng kanyang employer.
Kung meron pa po kayong mga katanungan ay maaari nyo pong e post sa Forum na ito. Mag register lamang para magkaroon ng access sa Qabayan Forum upang makapagtanong o maka-komento sa mga posts na inyong nababasa.
Isang manigong bagong taon sa lahat.
Maraming salamat po sa impormasyong ito.