Sa unang post ko kaugnay sa paglipat ng isang manggagawa sa ibang kumpanya ng di na kakailanganin ang NOC alinsunod sa Qatar laws no. 18 and 19 of 2020, ay naipaliwanag ang mga prosesong dapat sundin ng mga manggagawa na nais lumipat sa ibang kumpanya. Tandaan po natin na ang paglipat sa ibang kumpanya ay nangangahulugan na meron kang natanggap ng Offer Letter, dahil kasama sa dapat mong ilagay sa Change Employer Form ay mga impormasyon tungkol sa iyong magiging bagong employer. Kung ikaw ay aalis sa kasalukuyan mong kumpanya na wala pa namang lilipatan o wala pa namang natatanggap na Offer Letter, ay tiyak na mare-reject lamang din ito ng kinauukulan.
Ngayon, paano naman ang mga proseso na dapat sundin ng isang manggagawa na nais ng tapusin o putulin ang kanyang kontrata sa isang kumpanya para umuwi na, 'ika nga e mag exit na for good? Narito ang mga proseso:
Mag download ng Leave Country Form sa website ng MADLSA (Click to Download).
E fill-up at pirmahan ang nadownload na Leave Country Form.
E submit ang form sa MADLSA online para sa kanilang pag-proseso.
Hintayin ang confirmation ng MADLSA sa loob ng isang linggo matapos itong ma-submit, na nagtatakda ng notice period.
Tandaan na lahat ng aplikasyon ay ayon sa mga terms and conditions na nilalabas ng MADLSA.
Kung may mga isyu o problemang teknikal kaugnay sa nasabing mga proseso, maaaring tawagan ang MADLSA sa mga numerong 4028 8888, o kaya ay mag email sa support@ADLSA.gov.qa
Meron ka pa bang karagdagang mga tanong? Maaari mong e comment dito.
Again maraming salamat po for sharing such very important information. We will surely share this information to others. Thank you.