top of page

ADLSA's electronic system para sa pagpapalit ng employer, mas pinaganda


Simula July ng taong ito, maraming mga pagbabago ang naisakatuparan na ng Ministry of Administrative Development, Labor and Social Affairs (MADLSA) kaugnay sa pagpapalit ng employer o paglipat sa ibang kumpanya, katulad na lamang halimbawa ng online application platform o electronic system nito para sa aplikasyon sa paglipat sa ibang kompanya o pagpalit ng employer ng isang manggagawa.


Maaari ng alamin ng manggagawa ang status ng kanyang change employer status sa pamamagitan ng electronic system ng MADLSA. Narito ang link: https://ecai.adlsa.gov.qa/default.aspx


Kapag naka sumite na ng aplikasyon ang isang manggagawa para sa paglipat sa ibang kumpanya o pagpalit ng employer sa pamamagitan ng electronic o online system ng ADLSA, hindi na sya maaaring kasuhan ng absconding o run-away ng kanyang kasalukuyang employer, o kaya ay kanselahin ang kanyang QID.


Ang kasalukuyang employer at ang magiging bagong employer ay makakatanggap lamang ng SMS mula sa ADLSA's electronic system kapag ang aplikasyon ng manggagawa para sa pagpapalit ng kumpanya o employer ay naaprubahan na ng ADLSA. Kapag ang aplikasyon naman ay hindi naaprubahan dahil sa mga sapat na dahilang itinakda ng batas, ang manggagawa lamang ang makakatanggap ng SMS na hindi ito naaprubahan.


May bagong dagdag din na feature ang electronic system ng ADLSA dahil maaari na ring kanselahin online ng aplikanteng manggagawa ang kanyang aplikasyon para sa pagpapalit ng kumpanya o employer, kung ito ay nasa ilalim pa lamang ng pagsusuri ng ADLSA.


Samantala, ang mga nasabing pagbabago at inisyatibo ng ADLSA at ng pamahalaan ng Qatar sa pangkalahatan ay lubos na hinahangaan at pinapasalamatan ng Filipino community sa bansa at maging ng iba pang mga working expatriates sa Qatar.


0 comments

Comments


bottom of page