top of page

Babala: Phone call scam sa Ehteraz!


Pinag-iingat ng Ministry of Public Health (MoPH) ang publiko at mga residente ng Qatar sa kumakalat na “anonymous scam phone calls” para makakuha ng personal na impormasyon na ginagamit ang "Ehteraz" application. Sa isang public warning notification message na pinadala sa pamamagitan ng Etheraz application ngayong araw, nagbabala ang MoPH na huwag magbibigay ng kahit anong impormasyon dahil hindi naman ito hinihingi ng ahensiya, "no body or entity is authorized to make such calls,” pahayag nila.


Nilinaw din ng ministry sa pakikipagtulungan sa mga awtoridad sa Qatar, na ang lahat ng personal na impormasyon at data ng mga residente ay mahigpit na binabantayan at pinangangalagaan at itinuturing na classified at highly confidential.


Dahil sa mga pangyayaring ito, binalaan ng MoPH ang lahat na mas maging maingat at mapagmasid sa mga ganitong klase ng scam. "Don't provide any personal information or data to any person or entity which claims to be mandated by MOPH or the health sector," huling pahayag nila.

0 comments

Comments


bottom of page