Binago ng Primary Health Care Corporation (PHCC) ang oras ng operasyon ng COVID-19 Vaccination Center sa Qatar National Convention Center (QNCC) ngayong buwan ng Ramadan. Sa halip na isang shift lang ito mula 9am hanggang 1pm, gagawin na itong dalawang (2) shifts - 1st shift mula 8am hanggang 4pm (last entry ay 3pm), at ang 2nd shift ay mula 7pm hanggang 1am (last entry ay 12 midnight). Applicable ang nasabing timings araw-araw (7 days a week) at epektibo ito simula ngayong araw (April 21).
Samantala, sa mga drive-through vaccination centers naman sa Lusail at Al Wakra, mananatiling bukas ang mga ito mula 1pm hanggang hatinggabi araw-araw, at ang last entry ay 11pm.
Ayon naman sa MoPH, maraming mga bagong hakbang at proseso ang ipinapatupad upang mas mapabuti pa ang pagtanggap at paghihintay ng mga magpapabakuna sa National Vaccination Center na matatagpuan sa QNCC.
May itinalaga at binuong team sa pakikipagtulungan ng iba't ibang awtoridad upang pag-aralan at suriin ang waiting mechanism na naglalayong mas mapataas ang antas ng kaligtasan at kaayusan ng bawat isa sa nasabing vaccination center, kung kaya't napagkasunduang buksan ang corridors sa ground floor para maging pasukan ng publiko, nang may hiwalay na hintayan para sa mga babae at lalake upang masiguro ang privacy at kaayusan ng mga ito.
Upang maiwasan na mabilad sa init sa labas at mabigyan ng maayos at ligtas na hintayan ang lahat, inilaan rin ang main parking spots ng nasabing center para maging point of arrival.
Comments