Walang side effect! Ito ang pahayag ni Dr. Yousef al-Maslamani, Medical Director ng Hamad General Hospital tungkol sa mga taong unang nakatanggap ng COVID-19 vaccine. Maayos at wala raw anumang kumplikasyon ang nasabing bakuna sa mga nakakuha na nito, at sa kasalukuyan ay masasabing matagumpay na ang kanilang kampanya para dito. Simula na raw ito ng malaking pagbabago at sa tuluyang pagkawala ng pandemic sa Qatar.
"The turnout among the targeted category of people to take the vaccine has increased considerably over the past few days, especially since senior and well-known individuals have already taken the first dose," ayon kay Dr. Yousef.
Nagpapasalamat din si Dr. Yousef sa mga residente ng Qatar sa pagiging pasensyoso ng mga ito sa loob ng siyam na buwan habang nag-aantay ng bakuna at ang kanilang walang sawang pagsunod sa mga precautionary measures at protocols para sa COVID-19. Ngayong may bakuna na, naiintindihan daw niya ang takot at pangamba ng mga tao sa bagong vaccine lalo na sa mga posibleng side effects nito.
"It is normal that people may have doubts regarding any new invention or technology but the Ministry of Public Health depends on the approved scientific researches and studies and makes proper assessment of them accordingly. "The ministry never takes its information from what is circulating on the social media. Besides, all the available information about the new vaccine affirm that it is safe and highly effective and there is no reason to have fears or worries about it," dagdag pa ni Dr. Yousef.
Bagama’t mayroon ng bakuna na available, pangamba pa rin ng marami ang bagong strain ng coronavirus na mabilis na kumakalat ngayon sa United Kingdom (UK). Ayon pa kay Dr. Yousef, hindi kailangang mangamba rito ang publiko. Normal lang daw ang mutation ng virus, pero hindi naman daw delikado ang bagong strain sa halip ay mabilis lang itong kumakalat kumpara sa naunang virus strain. "According to the company manufacturing the COVID-19 vaccine (given in Qatar), it is effective against the new strain of coronavirus as well," ayon pa sa kanya.
Paalala pa rin ng mga awtoridad, pag-iingat pa rin ang pinakamabisang panangga sa COVID-19 kahit nakakuha na ng bakuna. "Another reason is that we need to vaccinate 70-80% of the total population to maintain effective immunity and avoid any potential spread of infection. Abiding by the preventive and precautionary measures is not a personal choice but a public decision issued by the authorities concerned for the good of all," giit pa ni Dr. Yousef.
Pakikipagtulungan at koopersayon pa rin ng lahat ng mga residente sa Qatar ang susi para ganap na masugpo ang COVID-19 lalo na ngayon na may malinaw ng bakuna para tulungan tayo na bumalik sa normal ang ating mga buhay. Mainam pa rin ang pag-iingat dahil hindi pa tapos ang laban sa COVID-19, nagsisimula pa lang tayo.
Comments