top of page

Dugong Alay, Sagip Buhay ng GLQ


Matagumpay na inilunsad ng Guardians Legion Qatar (GLQ) ang programang “Dugong Alay, Sagip Buhay” sa pangunguna ng Health, Welfare and Outreach Program Committee sa pamumuno ng Committee Chair na si Glenn “MG TAHZ” Garcia mula sa hanay ng GBI – TBBG Alamid at ang Vice Chairman na si Francis “MF KIKO” Reyes – mula sa hanay ng SGBI noong ika-23 ng Oktubre ng kasalukuyang taon sa Hamad Blood Donation Center.

Ang layunin ng nasabing programa ay makapagdala ng mga boluntaryong residente upang makapag ambag sa pundo ng dugo sa ospital upang pang-tugon sa pagsagip-buhay sa sinumang mga nangangailangang masalinan ng dugo. Sa pamamagitan ng programa, at mula sa mahigit-kumulang na limampung katao na sumuporta, halos dalawampu’t pitong (27) bag ng dugo ang naibigay sa Center.

Ang kaganapan ay inayudahan ng mga miyembro mula sa iba’t ibang hanay ng GUARDIANS Legion Qatar, kinabibilangan ito ng GBI-TBBG Alamid, SGBI, GBI-TBBG Persian Gulf, GPII-SUC, GBHFI/1GANAP, PGBI at GRII. Sinupurtahan din ito ng iba pang non-GUARDIANS na sina Riza Rillera, Mary Jane Parungao, Angeline Remedios, Monisha Kunnumpurath (Indian National) at Jhon Gallardo.

Sa pamamagitan ng programa ay nabigyan ng labis na tuwa ang bawat isa, lalo na ang mga hindi kaanib ng kapatiran, ayon sa kanila, mula sa kanilang munting paraan ay ramdam nilang nakakatulong sila sa mga nangangailangan, sa munting naiambag nilang dugo ay meron silang buhay na masasagip. Anila’y isang karangalan sa kanila ang ganitong programang isinasagawa ng kapatiran. Handang mag bigay ng kanilang dugo para makasagip ng buhay. Ayon kay John Gallardo, na isang Architectural Draftsman ay simulat sapol naging gawain na nya ito kahit siya ay nasa bansang Abu Dabhi pa. Sina Riza, Mary Jane at Angeline ibinahagi naman nila ang kanilang unang karanasan bilang mga baguhan na kusang loob na mag bigay ng kanilang mga dugo “Talagang pinag handaan naming ang araw na ito, ito ang kauna-unahan naming karanasan na mag bigay ng aming mga dugo.”

Gayun paman hindi lahat na mga dumating na donors ay qualified na makuhanan ng dugo, kahit gustuhin ni Monisha na isang Indian national na mag bahagi ng kanyang dugo ay nabigo dahil sa mababang hemoglobin nito. Ganun pa man, handa syang sumubok ulit sa susunod na pagkakataon.

Malaking pasasalamat ni Glenn “MG TAHZ” Garcia at Francis “MF KIKO” Reyes ng Health, Welfare and Outreach Program Committee sa mga nag support sa pagkapatirang programa lalong lalo na kay Joey Dale “CGMF DALE” Allado – GLQ President, Midred “CNF MILES” Ngoaban – PPIMS Committee at Rolan “FRMG Bongbong” Nevado –GLQ Head Adviser at sa mga miyembro ng Guardians Legion Qatar at sa lahat ng non-GUARDIANS sa kanilang patnubay at pag alalay mula sa paghahanda hanggang sa matiwasay na pagtatapos ng programa. Isang malaking pasasalamat din sa Qabayan Radio sa pagpaparating nila ng mensahe sa Filipino Community on air.

Inaasahan ng GLQ na sa susunod pang mga buwan ay magkakaroon ang Kapatiran ng pangkalawakang programa para sa kapakanan ng nakakrami.

Para sa ibang kaalaman tungkol sa kapatirang GUARDIANS ditto sa Qatar, sumulat lamang sa official email add: guardians.legion.qatar@gmail.com o bisitahin ang kanilang website www.gurdianslegionqatar.org.


Ronico Hernandez, GLQ-PPIMS

0 comments

Comments


bottom of page