top of page

Expats, maaari ng lumipat sa ibang kumpanya kahit pa expired na ang residency nito


Kung dati ay kinakailangang valid ang QID o RP ng isang working expatriate (manggagawa) para malipat ito sa ibang kumpanya, sa pinaka bagong ministerial decision ng Ministry of Interior, maaari ng makalipat ang mga expats sa ibang kumpanya kahit pa expired na ang residency permits (RP) o QID ng mga ito, sa loob ng 90-araw matapos ang expiration. Ito ang napapaloob sa bagong ministerial decision na nailathala sa official gazette nitong Linggo, 20 Sep 2020 at naibahagi rin sa Twitter ng Ministry of Justice.

Ayon sa nasabing desisyon, kinakailangan ng employer na magsumite ng karagdagan o susog na kontrata sa orihinal na kontrata ng manggagawa kung nanaisin nitong pagpatrabahuhin pansamantala (ayara) ang manggagawa. Ang nasabing pansamantalang kontrata ay dapat pirmado ng employer at ng manggagawa, at ito ay dapat eendorso sa MADLSA.

Napapaloob ito sa Ministerial Decision No. 51 of 2020 na nag-aamyenda sa ilang probisyon ng executive regulations ng Law No. 21 of 2015, o mas kilala sa tawag na entry, exit and residency of expatriates law.

Ang article 1 ng Ministerial Decision No. 51 of 2020 ay nag-aamyenda sa mga probisyon ng Article No. 65 at 67 ng executive regulation ng Law No. 21 of 2015.


Ayon sa naamyendahang Article 65, maaaring makalipat sa ibang kumpanya ang manggagawa alinsunod sa mga probisyon nitong bagong desisyon.


Ang nasabing paglipat sa ibang kumpanya ay dapat ipaalam ng manggagawa sa tanggapan ng Ministry of Administrative Development, Labor and Social Affairs (MADLSA) alinsunod sa mga patakaran at proseso nitong bagong desisyon.


Ang nasabing bagong desisyon na ito ay magkakabisa isang araw matapos itong mailathala sa official gazette, ayon sa Article 3 ng nasabing desisyon.

0 comments

Comments


bottom of page