top of page

FIFA World Cup Qatar 2022 Cybersecurity, kasado na - Opisyal


Ibinahagi ng Supreme Committee for Delivery & Legacy (SC) kamakailan ang mga preparasyon na ginagawa nila na may kinalaman sa cybersecurity para sa nalalapit na FIFA World Cup Qatar 2022 sa kakatapos lamang na Omans Future Tech Summit and Expo sa Oman.


Sa pamamagitan ng video conferencing, tinalakay ng committee ang mga posibleng makaharap na problem pagdating sa cybersecurity maging ang mga pagbabago na kanila ng mga nagawa para sa nalalapit na football event ng dekada.


Ilan sa mga tinalakay sa pagtitipon ay ang mga sumusunod; Artificial Intelligence (AI), data protection, digital transformation, the Internet of Things, blockchain technologies, financial technology, at fifth-generation communication services.


Ayon kay SC's IT Director Maryam Al Muftah, importante ang mga preparasyon pagdating sa cybersecurity dahil kaakibat nito ang iba’t-ibang pagsubok sa pagiging host ng isang napakaling event katulad ng FIFA World Cup. Iginiit niya na malaki ang posibilidad na magkaroon ng cybercrime, data security breaches, at information systems failure lalo sa mga ganitong okasyon. Ginawang halimbawa ni Al Muftah ang naging problema noon sa Olympic Games kung saan iba’t-ibang online scams ang nangyari.


Dagdag pa ni Al Muftah: "It is likely our threats will expand as we draw nearer to the tournament, meaning it will be necessary to build our cybersecurity skillset, grow compliance and maintain all our current capabilities. We have developed strong partnerships with major cybersecurity partners and will continue to nurture these relationships. We all need to be vigilant and continue to expand our expertise to tackle all aspects of this issue."


Hindi lamang daw limitado sa malalaking institusyon at kompanya ang mga panganib na ito, dahil maging ang mga small and medium-sized na kompanya at pati mga indibiduwal ay maari ring maaapektuhan katulad na lamang noong nangyari sa Beijing and London Olympics noong 2008 at 2012. Maging aral na rin daw ang nangyari sa FIFA World Cups sa Brazil at South Africa noong 2010 at 2014, kung saan naaging biktima ng cyber-attacks ang mga website ng organizers.


Ayon pa kay Al Muftah: "Based on the experience of previous mega sporting events, including the FIFA World Cup and Olympics, we have to anticipate the same players and adversaries will look to target Qatar 2022."

0 comments

Comments


bottom of page