Itinakda ng Ministry of Public Health (MoPH) ang flat rate para sa Covid-19 swab test na isinasagawa ng mga private health facilities sa halagang QR 300, simula ngayong Huwebes, April 8, 2021.
Ayon kay Noura Abdullah Al Mulla, Director of Health Facilities Licensing and Accreditation Department, ang nasabing desisyon upang itakda ang flat rate ay upang maibsan ang binabayaran ng mga indibidwal sa pagkuha ng Covid-19 swab test, matapos na pansamantalang isuspende ang pagsasagawa ng Covid-19 testing sa mga public health facilities para sa mga indibidwal na babyahe palabas ng bansa, upang mas mapagaan ang pressure at matuon ang serbisyo ng mga healcare staff para sa mga Covid-19 infected, suspected o pagbabakuna.
Dagdag pa ni Al Mulla, minomonitor ng MoPH ang pagtupad ng mga private health care facilities sa nasabnig Covid-19 swab testing flat rate. Pinuri din nya ang maigting na kolaborasyon ng mga pribadong health care facilities sa pamahalaan, ang ang mahalagang papel at suporta ng mga ito bilang pangunahing kabahagi ng pamahalaan at pampublikong sektor sa pagsugpo sa Covid-19.
Inanunsiyo rin ng MoPH ang 44 health facilities na aprubado upang magsagawa ng Covid-19 tests.
Komentarze