Inilunsad ng Ministry of Public Health (MoPH), Primary Health Care Corporation (PHCC) at ng Hamad Medical Corporation (HMC) ang joint project na National Influenza Vaccination campaign ngayong araw sa Hamad Bin Khalifa Medical City.
Ang flu vaccine ay sinasabing ligtas sa lahat na may edad anim na buwan pataas. Ito ay makukuha simula bukas ng walang bayad sa PHCC health centers o kaya sa higit kumulang 40 na private at semi-government facilities.
Inaasahang mahigit 500,000 ang mabibigyan ng bakuna ngayong papasok na ang winter season na tatagal hanggang Marso ng susunod na taon.
Ipinaliwanag ni Dr. Abdullatif Al Khal, Chair of the National Health Strategic Group on Covid-19 at Head of Infectious Diseases at Hamad Medical Corporation, ang kahalagahan ng flu vaccine, "Taking the flu vaccine is more important this year than amid coronavirus Pandemic. Both the Covid-19 and flu have the same symptoms and getting co-infected with flu and coronavirus can lead to severe complications."
Dagdag pa niya, maraming mas epektibong bakuna sa flu kesa sa Covid-19 kaya naman dapat masiguro ng lahat na mabakunahan nito para maging ligtas at protektado.
Comments