Ayon sa Assistant Undersecretary for Labour Affairs ng Ministry of Administrative Development, Labour and Social Affairs (MADLSA) Mohammed Hassan Al Obaidli, kailangan na ng empleyado ang kopya ng kanyang resignation sa kanyang application sakaling gusto niyang magpalit ng trabaho. Bukod dito kailangan din ng pirma at stamp ng bagong company na kanyang lilipatan kung gusto niya mag-transfer.
Sa kanyang interview sa isang programa sa telebisyon, sinabi ni Al Obaidli na ang lahat ng nai-submit na job change application sa Ministry ay maayos na titingnan kung tatanggapin o hindi batay sa regulasyon ng ahensiya.
“In case of acceptance, a text message will be sent to the employer informing him about the transfer of his worker and notice period and this will be considered second message from the Ministry to the employer,” dagdag ni Al Obaidli.
“First text message issued from the Ministry responding to the application of a worker for job change does not mean final approval rather than to inform the employer that his worker has applied for job transfer and the application is under assessment of the Ministry,” ayon pa kay Al Obaidli.
“We in the Ministry redrafted the text message to make it clear for employer and worker. The amended text message contains that a worker submitted a request for changing job from one company to other mentioning the name of new company. The message also includes that the request is under assessment so the worker should remain in the company until the end of the assessment.”
Sinabi rin ni Al Obaidli na sa text message nakalagay na ang employer ay entitled na magtanong tungkol sa aplikasyon ng empleyado para makapagsabi ito ng kanilang mga concern sa pamamagitan ng hotline o email na makikita rin sa text message. Kasama rin dito na sinumang empleyado na dalawang taon ng nagtatrabaho sa isang kompanya ay dapat dalawang buwang notice period ang kailangang gawin o isang buwan naman para doon sa mga wala pang dalawang taon sa kanilang kompanya.
“The new company (where a worker wants to transfer) should adhere to the wage protection system, labor law, be active, have business and project,” ayon ito kay Al Obidli.
May karapatan din ang employer na maninggil ng charges or cost kung sumailalim sa mga training ang mga trabahador na aalis, mga expenses sa driving license at kung anu-ano pa para masigurong nasusunod ang karapatan ng kapwa employer at employee.
“It is mandatory for employer and worker as well to comply to the job contract because both parties have rights and liabilities for each other,” diin ni Al Obaidli.
“In case of transfer of the workers from these companies they will be compensated with new visas for hiring workers,” dagdag pa nya.
Bukod pa rito, binanggit din ni Al Obaidli ang pagpapatupad muli ng pag-isyu ng labor recruitment, “The service was suspended due to COVID-19 which had shut down the airports all over the world. With gradual lifting of coronavirus restrictions on travel, the Ministry decided to resume the service due to need of oversees workers for ongoing projects.”
Comments