Sa ulat ng Ministry of Interior (MoI), isa na sa pinakamaraming violators ng COVID-19 precautionary measures na umabot sa 2,047 sa isang araw na operasyon lamang, ang nahuli ng kapulisan nitong nagdaang Sabado. Nasa 1,289 ang mga nahuli na hindi nagsusuot o kaya ay mali ang pagsuot ng face mask, samantalang nasa 736 naman ang nahuli dahil sa hindi pagsunod sa takdang social distancing, at 22 naman ang nahuli na di naka install ng Ehteraz app.
Dinala na ang kanilang mga kaso sa Public Prosecution.
Ayon sa Cabinet decision na halaw sa Law No. 17 of 1990 kaugnay sa nakakahawang mga sakit at mga preventive measures nito, ang mga hindi nagsusuot ng facemask kapag nasa labas ng kanilang bahay ay maaaring mapagmulta ng aabot sa QAR 200,000 o kaya ay mabilanggo hanggang tatlong (3) taon.
Comments