Hinikayat ng Ministry of Public Health (MoPH) ang lahat ng residente at citizen ng Qatar, na nasa 60 gulang at pataas na magpabakuna na laban sa Covid-19 sa lalong madaling panahon.
Ayon kay National Health Strategy 2018-2022 Lead for Healthy Ageing, na si Dr. Hanadi Al Hamad, ang kamakailan na pagtaas ng Covid-19 cases ay nagresulta na sa apat ng pagkamatay at 60 taong gulang ang mga ito, "Since the start of the pandemic more than 12 months ago it has been clear that age is the biggest risk factor for COVID-19”, dagdag pa niya. Sa isa naman niyang panayam, binanggit ni Dr. Hanadi na higit na malaki ang posibilidad ng mga matatanda na magkaroon ng komplikasyon na maaaring magtuloy sa pagkamatay kung hindi sila agad mababakunahan. "I cannot emphasize strongly enough how important it is for older people to get their vaccine. Now that we have an approved and effective vaccine, elderly citizens and residents have the opportunity to become protected and live free from the threat of this virus." sabi pa ni Dr. Hanadi.
Ayon pa sa kanya, "In recent weeks we have seen a significant increase in the number of people requiring admission to ICU due to severe complications from COVID-19. As many elderly people have existing long-term medical conditions, they are more susceptible to severe complications and so they account for a large proportion of COVID-19 related ICU admissions."
Samantala, nang tanungin naman tungkol sa maaring long-term effect ng Covid-19 sa mga matatanda, sinabi ni Dr. Hanadi na, "Due to their increased vulnerability and often weakened immune systems, the elderly are more susceptible to long-term complications due to COVID-19. Even if they recover from their immediate severe symptoms, many elderly people experience what is known as 'long-covid'. Symptoms of long-covid can last several weeks or months and include extreme tiredness, shortness of breath, chest pain or tightness, and problems with memory and concentration. The COVID-19 vaccine helps to protect people from these long-term symptoms, and this is why it is so essential for older people to get vaccinated."
Bilang huling paalala ni Dr. Hanadi, sinabi niyang huwag matakot ang mga matatanda sa bakuna dahil ligtas na ligtas ang mga ito. Kung kinakailangan raw na makipag-usap sila sa mga health experts ay kanilang gawin para mawala ang kanilang takot at alinlangan sa magiging epekto nito sa kanilang kalusugan. Mas maigi na raw ang maging ligtas lalo na at narito ang solusyon sa virus.
Comments