Kinumpirma ng Ministry of Public Health (MoPH) ang unang mga kaso ng Omicron COVID-19 variant na naitala na sa bansa.
Lahat ng unang apat na mga kaso ng Omicron variant ay natukoy mula sa mga citizens at residente na bumalik sa Qatar mula sa kanilang pagbyahe galing sa ibang bansa.
Tatlo sa nasabing indibidwal ay nakatanggap na ng 2 doses ng COVID-19 vaccine - ang second dose ay nabakuna mahigit anim na buwan na ang nakalipas, samantalang ang isa sa mga ito ay hindi pa nababakunahan.
Tiniyak naman ng MoPH na ang lahat ng nasabing mga indibidwal ay sumusunod sa quarantine requirements, walang nadala sa hospital, at mananatili sa quarantine hanggang sa sila ay tuluyang gumaling at maging negative na ang resulta ng kanilang test.
Nanawagan ang MoPH sa lahat ng mga komunidad na gawin ang bahagi nito sa patuloy na laban kontra COVID-19 na kinabibilangan ng tatlong hakbang:
Magpabakuna na, o magkaroon ng booster dose sa lalo't madaling panahon para sa mga eligible na makakatanggap nito;
Magpa-test kaagad kapag may nararamdamang sign o sintoma ng COVID-19; at
Patuloy na sumunod sa COVID-19 precautionary measures na kasalukuyang ipinapatupad ng mga kinauukulan.
Comments