top of page

MoPH:Mas pinaigting na restrictions, maaaring ipatupad kapag patuloy na tumaas ang COVID-19 cases


Kung magpapatuloy sa pagtaas ang bilang ng nagiging positibo sa COVID-19, maaaring magpataw ng mas pinaigting at striktong restrictions ang Ministry of Public Health (MoPH). Dagdag pa ng MoPH, ang pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 at hospital admissions ay tila maagang senyales ng pagkakaroon ng second wave sa Qatar. Ngayong Martes lamang ay nakapagtala ng 477 bagong kaso ng COVID-19.


Matatandaan na nitong nakaraang araw ng Huwebes, February 4, 2021 ay inilabas ng awtoridad ang reimposition ng mga COVID-19 health restrictions, matapos maging consistent ang pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa mga nakalipas na linggo.


Ilan sa mga nasabing reimposed restrictions ay ang limitasyon sa mga outdoor gatherings para sa 15 tao lamang, samantalang ang mga indoor gatherings ay hindi dapat tataas sa limang (5) tao. Bawal ang magdaos ng kasal kung hindi sa mismong bahay at limitado lamang sa mga kamag-anak ang dapat dumalo. Ang mga bilihan naman ay dapat nasa 30% lamang ang capacity.


Bawal na rin ang mag renta ng mga bangka para sa publiko, samantalang kung pribado naman, hindi dapat lalampas sa 15 tao ang lulan nito.


Bawat isa ay pinapayuhan na magsuot palagi ng facemask kapag nasa labas ng mga tahanan, at panatilihin ang social distancing saan mang lugar.

0 comments

Comments


bottom of page