top of page

Online classes extended hanggang January 27 - MEHE



Inanunsyo ng Ministry of Education and Higher Education (MEHE) ang pagpapalawig ng distance learning system o online classes hanggang January 27, 2022 para sa mga pampubliko at pribadong paaralan, dahil sa kasalukuyang kondisyon kaugnay sa COVID-19 pandemic at pagtaas na bilang ng kaso nito bawat araw.


Matapos ang konsultasyon at koordinasyon sa Ministry of Public Health (MoPH) at iba pang awtoridad kaugnay sa sitwasyon at para na rin sa kaligtasan ng komunidad, ang mga sumusunod ay ipapatupad:


Una. Pagpapalawig ng distance learning system o online classes at pagsuspende sa pasukan ng mga estudyante sa pampubliko o pribado mang paaralan kasama ang mga kindergartens hanggang January 27.


Pangalawa: Tuloy pa rin ang pagpasok ng mga administrative at educational staff sa pampubliko at pribadong mga paaralan kasama ang kindergartens.


Pangatlo: Pagpapatupad ng supplemental tests para sa unang semester ng mga pampublikong paaralan, simula January 18 hanggang January 27, 2022, alinsunod sa naunang naiulat na schedule ng mga pagsusulit, ganundin ang mga main exams sa mga pribadong paaralan ayon sa kanilang academic calendar sa kanilang mga gusaling paaralan, pero kailangang sumusunod sa mga ipinapatupad na precautionary measures.


Pang-apat: Pagpapatupad ng pisikal na attendance para sa ibang mga klase at baitang, sa tinatawag na ‘exceptional basis’ sa 50% na kapasidad ng paaralan lamang, subalit kinakailangang sumusunod sa mga ipinapatupad na precautionary measures:


1. Secondary school students, grade 12 sa mga pampublikong paaralan, at grade 11 and 12 naman sa mga pribadong paaralan.

2. Students with special needs and disabilities, sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

3. Students of specialized schools.

4. Optional ang attendance ng mga estudyante at mga magulang.


Panlima: Physical attendance ng mga bata sa nurseries sa 50% kapasidad lamang, samantalang optional lamang sa mga magulang.


Pang-anim: Pagpapatuloy ng 100% attendance ng mga estudyante sa unibersidad at higher educational institutions.


Nanawagan din ang MEHE sa mga estudyante na tumalima sa mga aralin kahit remote o online, samantalang kailangan ng mga magulang na subaybayan ang kanilang mga anak sa attendance ng mga ito sa distance learning system o online classes upang tuloy ang komunikasyon at kooperasyon sa mga school administration at educational staff.





0 comments

コメント


bottom of page