top of page

Opisyal: Walang COVID-19 Second Wave sa Qatar

Ang Covid-19 situation sa Qatar ay stable at walang pangyayari ng 'second wave', ito ang pahayag ni Dr. Abdullatif Al Khal, Chairman ng National Pandemic Preparedness Committee. Ayon kay Dr. Al Khal sa pahayag nito sa Texas A&M University sa Qatar's Maerifa Public Seminar Series nitong Webes (Oct 8), "Nitong nakaraang linggo, naitala ang bahagyang pagbaba ng nasa 15% kumpara sa nakaraan pang linggo. Maaari nating maisalarawan ang sitwasyon sa bansa sa puntong ito na steady and stable, at wala tayong nararanasan na second wave 'di tulad ng sa ibang bansa."


“Last week we noticed a slight decrease of about 15 percent compared to the previous week. We can describe the situation in the country at this point as being steady and stable and we are not witnessing a second wave like in many other countries.”

Dr. Abdullatif Al Khal - Chairman of the National Pandemic Preparedness Committee. Photo credited to Qatar Tribune, www.qatar-tribune.com

Dagdag pa ni Dr. Al Khal, "meron tayong mabilis na pagtaas ng bilang ng mga kaso sa pagtatapos ng buwan ng Mayo at sa pasimula ng Hunyo. May isa pang pagtaas ng kaso sa pagtatapos ng Eid Al Adha sa mga Qataris at white-collar professionals bunsod ng mga social gatherings tulad ng parties. Pero mabilis din itong bumaba pagkalipas ng dalawang linggo."


“We had a swift increase in number of cases towards the end of May and beginning of June. We had another wave after the Eid Al Adha among Qataris and white-collar professionals and were attributed to social gatherings like parties. But it is also trending down over the past couple of weeks,”


Ang unang kaso ng COVID-19 ay naiulat sa Qatar noong February 28, sa isang batang lalakeng Qatari na umuwi mula sa Iran. Samantala, ang unang kaso naman ng COVID-19 mula sa community ay naitala noong March 8.


Ayon pa kay Dr. Al Khal, malaki ang ginawang pangunahing papel ng mga epidemiologic factors at public health measures sa pagkontrol ng pagkalat ng COVID-19 pandemya sa Qatar. Aniya, kabilang na rito ang epektibong pamumuno sa pagsugpo sa nasabing pandemya, mga hakbang na ipinatupad ng pamahalaan, mga pampublikong hakbang sa pangkalusugan, structure and demographics ng populasyon, mabilis na pagaksiyon at pagpapalawak sa healthcare system na may tamang direksyon ng mga resources redeployment ng mga kawani o manggagawa.


"Sa pagtatapos ng Mayo at unang bahagi ng Hunyo, naitala natin ang pinakamataas na kaso ng pandemya kung saan nagkaroon tayo ng mahigit 2000 kaso sa loob lamang ng isang araw. Pero dahil na rin sa mga pamamaraan na ipinatupad ng gobyerno sa pangunguna ng Ministry of Public Health kasama ang mga restrictions at precautions, mabilis na bumaba ang mga kaso ng pandemya at tuluyan na nga itong naging steady sa mga populasyon," dagdag pa ni Dr. Al Khal.


“Towards the end of May and early June, we had the peak of the pandemic where within one day we recorded more than 2000, positive case. Due to the measures that were implemented by the government and applied through the Ministry of Public Health including the restrictions and precautions, the pandemic relatively quickly started coming down. The numbers declined and have remained somehow steady among the entire population,” said Dr. Al Khal.

1 comment

1 Comment


Ressie
Ressie
Oct 09, 2020

Excellent! Qatar government is superb in handling COVID-19 pandemic measures vis-a-vis its impact on the country's economy. The discipline and cooperation of the entire population with the authorities also contributed to this achievement. Mabuhay!

Like
bottom of page