Ngayong darating na Miyerkules (September 15) ay sisimulan na ng Ministry of Public Health (MoPH) ang pagbibigay ng booster vaccine doses sa bansa para sa mga nakatanggap ng Pfizer-BioNtech o Moderna vaccines sa nakalipas na lampas walong (8) buwan.
Matatandaan na noong August 24, 2021 ay inaprubahn ng MoPH ang pagbibigay ng third dose vaccines kontra COVID-19 para sa Pfizer-BioNtech at Moderna, para sa mga taong mahina ang immunity.
Dagdag pa ng MoPH, sa unang buwan ng pagsasagawa nito, nakatuon ang booster vaccination program para sa mga taong mahihina ang immunity at may seryusong komplikasyon ng impeksyon, tulad ng mga ang edad ay mahigit na sa 65, at mga may malalang sakit na maaaring magresulta sa malubhang komplikasyon kapag nahawa ng COVID-19 virus, bilang dagdag sa mga nagtatrabaho bilang mga first row health care cadres at iba pang personalidad.
Para sa iba pang detalye: Read the news on MoPH website
Comments