top of page

Pagsusuot ng facemask, obligado na simula ngayong Biyernes


Sa regular na weekly meeting ng Qatar's cabinet sa Amiri Diwan nitong araw ng Miyerkules, nagdesisyon ang gabinete na obligado na ang pagsusuot ng facemask simula ngayong Biyernes (31 Dec 2021), sa sarado o bukas mang pampublikong mga lugar, maliban sa mga taong gumagawa ng sports activity sa mga open spaces.


Pinamunuan ang cabinet meeting ni Prime Minister and Minister of Interior, His Excellency Sheikh Khalid bin Khalifa bin Abdulaziz Al Thani.


Napagdesisyunan din ng gabinete ang patuloy na pagpayag sa mga conferences, exhibitions at mga events ayon sa mga sumusunod:


  1. Hindi dapat lalampas sa 75% ang kapasidad sa mga open spaces;

  2. Hindi dapat lalampas sa 50% ang kapasidad kapag nasa closed spaces, subalit dapat 90% ng mga kasama ay nakakompleto na ng COVID-19 vaccines. Kailangang may negative result ng rapid antigen o PCR test na aprubado ng Ministry of Public Health (MoPH) ang mga hindi pa nakakacompleto ng bakuna para sa COVID-19.

Samantala, sa alinmang sitwasyon, lahat ng mga conferences, exhibition o mga events na idadaos ay kailangang may approval ng MoPH.


Isasaalang-alang din ang pagsunod sa mga precautionary measures, mga pamamaraan at kontrol na itatakda ng MoPH.


Ang Ministry of Interior, MoPH at iba pang sangay ng pamahalaan alinsunod sa kani-kanilang mga tungkulin, ay magpapatupad ng mga kaukulang alituntunin at pagganap upang matiyak na nasusunod ang mga alituntunin at mga precautionary measures laban sa COVID-19.


Magkakabisa ang nasabing desisyon simula ngayong Biyernes, December 31, 2021 (until further notice).


0 comments

Commentaires


bottom of page