Sa pinakahuling update ng Ministry of Public Health sa Qatar Travel and Return Policy na magkakabisa sa Lunes, February 28, 2022, 7:00PM, balik Red Health Measure na ang kategorya ng Pilipinas, kung saan may mas pinaluwag na travel restrictions and protocols.
Narito ang listahan ng mga bansang nasa Red Health Measures.
Samantala, dahil na rin sa tuluyang pagbaba ng kaso ng COVID-19, mas pinaluwag pa ang protocol para sa mga magbabyahe patungong Qatar, kasama na rito ang pagtanggal sa RT-PCR test bago ang pag-alis pati na rin ang quarantine para sa mga travelers na fully vaccinated o nakarecover sa COVID-19, pero kinakailangan pa rin ang Rapid Antigen Test sa loob ng 24 oras mula sa kanilang arrival time sa Qatar.
Ang mga hindi bakunado at hindi immune naman mula sa Red Health Measures kasama na ang Pilipinas ay kailangan pa ring kumuha ng RT-PCR test na may validity sa loob ng 48 oras mula sa kanyang departure time. Kailangan din ang 5 araw na hotel quarantine, at Rapid Antigen test sa ika-limang araw ng hotel quarantine.
Narito ang updated na travel and return policy para sa mga bansang nasa Red Health Measures.
Para sa buong detalye ng Qatar Travel and Return Policy, bisitahin ang link na'to: https://bit.ly/3rY252l
Patuloy po tayo mga kababayan na makiisa sa labang ito hindi lang ng Qatar kundi nating lahat laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinaiiral na mga restrictions at protocols ng pamahalaan ng Qatar.
Bình luận