Nahirang bilang miyembro ng Scientific Council of the International Agency for Research on Cancer (IARC) ng World Health Organization (WHO) si Dr. Einas Al Kuwari, Chair of the Department of Laboratory Medicine and Pathology ng Hamad Medical Corporation (HMC).
Ang IARC ay ang espesyal na ahensiya para sa kanswer ng World Health Organization (WHO) na naglalayong itaguyod ang pandaigdigang kolaborasyon sa pananaliksik tungkol sa kanser. Binubuo ang nasabing konseho ng 27 mga bansa.
Ang panunungkulan ni Dr. Al Kuwari ay tatagal ng apat (4) na taon. Siya rin ang kauna-unahan mula sa Qatar na nahirang sa nasbing posisyon. Isa siya sa anim (6) na bagong miyembro ng nasabing konseho, na nakabase sa Lyon, France.
Sa loob ng higit 50 taon, malaki ang kontribusyon ng IARC sa pandaigdigang laban sa kanser at pagkakaroon ng mga orihinal na pananaliksik na malawakang kinikilala dahil sa mataas na kalidad nito.
“The main responsibilities of the members of the council are the evaluation of the scientific activities of the IARC and give advice to the governing body,” pahayag ni Dr. Al Kuwari. “I am honored to be able to play a role," dagdag pa nya.
Comments