top of page

Shura Council, may rekomendasyon para sa pagpalit ng employer o pag exit ng mga manggagawa


Sa isang regular weekly meeting ng Shura Council sa pamumuno ng Speaker na si H.E. Ahmed bin Abdullah bin Zaid Al Mahmoud, pinag-usapan ang supplementary report ng joint committee ng Services and Public Utilities Committee at ng Internal and External Affairs tungkol sa malalwakang diskusyon sa hiling ng mga miyembro ng konseho hinggil sa pagpapalit ng employer at pagbiyahe ng walang notification ng mga expatriate workers.


Matapos ang diskusyon sa committee report, at base sa kagustuhan ng Shura Council na suportahan ang lahat ng pagsisikap ng gobyerno sa pangunguna ng Ministry of Administrative Development, Labor and Social Affairs (MADLSA), at para mapaunlad ang business sector ng Qatar, matapos mapakinggan ang panig ng Council members na ginanap noong Jan. 4, 2021 na pinaunlakan ni H.E. Minister of Administrative Development, Labor and Social Affairs, at base na rin sa obserbasyon at proposal ng Council na ginanap noong Feb. 8, 2021, nagkaroon ng rekomedasyon ang Shura Council tungkol sa nasabing usapin at nagdesisyon na e refer na lang ito sa tamang kinauukulan.


Sa nasabing rekomendasyon, sinisiguro nito ang financial at legal status ng kumpanyang lilipatan ng manggagawa, lalo na sa pag-approve ng visa, at siguruhing ‘di sila mawawalan ng visa. Pinapalakas din nito ang bilang ng pagpapalit ng trabahador ng employer sa tatlong beses lamang habang nananatili sa bansa para maipakita na seryoso sila sa kanilang trabaho. Dagdag pa rito, sa tuwing kukuha ng empleyado sa pagpapatupad ng governmental or quasi-governmental contracts, kinakailangang masiguro na hindi sila mabigyan ng change of employer puwera lang kung may pahintulot ang employer hanggang matapos ang kontrata at dapat nakaugnay ito sa kanilang visa.


Base rin sa mga rekomendasyon ng Shura Council, nais nitong maipakita na kaya nilang solusyunan ang mga problema sa illegal workers sa pamamagitan ng mga mekanismo tulad ng pag amyenda sa mga kondisyon nito ng naaayon sa batas. Layunin din ng rekomedasyong ito na bigyan ng tamang proseso ang mga manggagawa na hindi na-aprubahan ang transfer at ‘di na makabalik sa dati nilang trabaho. Ayon sa Ministry of Interior (MoI) kinakailangan na magkarron ng tamang mekanismo ng proseso para masabihan ang empleyado, tatlong araw bago ang petsaa ng kanyang pag-alis sa pamamagitan ng text message o ng Metrash application.


Ayon pa sa napagkasunduang rekomendasyon, kinakailangang magkaroon ng eksaktong panahon ang kontratang pipirmahan ng employer at trabahador kung saan binabawalan ang trabahador na humingi ng change of employer habang naka-kontrata pa na dapat ay hindi lalagpas ng dalawang taon, maliban lamang kung may sapat na dahilan ito na dapat aprubado pa rin ng employer. Dagdag pa sa rekomemdasyong ito na taasan ang porsyento ng mga manggagawa na hindi puwedeng magbiyahe ng walang paalam mula sa kanilang mga employer na dati ay 5% at gawin itong 10%.


Bilang panghuling rekomendasyon ng Shura Council, pinanukala nito na magkaroon ng permanenteng committee sa Ministry of Administrative Development, Labor and Social Affairs para magdesisyon sa lahat ng mga aplikasyon ng sponsorship transfer, sa kundisyong dapat may miyembro sa committee na galing sa Chamber of Commerce at Ministry of Interior, para maipatupad ang mga kahilingan para sa sponsorship transfer at masigurong makakasunod ito sa tamang proseso, kondisyon at mekanismo na naayon sa batas.

0 comments

Comments


bottom of page