Kaugnay sa pagsapit ng summer sa bansa, inanunsiyo ng Ministry of Administrative Development, Labor and Social Affairs (MADLSA) nitong Miyerkules na ang Summer Timing ay magsisimula ngayong June 1 hanggang September 15, 2021. Kaugnay nito, hindi pinapayagan ang pagtatrabaho sa labas o exposed sa araw mula 10:00 ng umaga hanggang 3:30 ng hapon.
Ayon pa sa Ministry, kinakailangang itakda ng mga employers ang schedule ng pang-araw-araw na oras ng trabaho, alinsunod sa probisyon nitong nasabing desisyon at kinakailangang ipaskil upang mas madaling makita ng mga manggagawa at ng mga labor inspectors.
Pinapakiusapan ng Ministry ang mga may-ari ng mga kompanya at institusyon na saklaw ng Law No. 14 of 2004, o Qatar Labor Law, na sumunod sa Ministerial Resolution No. 16 of 2007 na itakda ang oras ng pagtatrabaho sa mga outdoor o exposed sa araw na mga lugar sa itinakdang 'summer timing' na magsisimula nga nayong June 1 hanggang September 15.
Dagdag pa ng Ministry, ang mga labor inspectors nito ay iikot upang magkakaroon ng mga field visits at inspeksiyon sa mga worksites para tiyakin na sumusunod nga ang mga kompanya sa nasabing summer timing. Babala ng Ministry, may kaakibat na mga seryusong hakbang sa mga kompanyang lalabag sa nasabing polisiya.
Comments