Padating na nga sa bansa ngayong Lunes, December 21, 2020 ang unang batch ng COVID-19 vaccine, ayon sa tweet ni Qatar Prime Minister and Minister of Interior H.E. Sheikh Khalid bin Khalifa bin Abdulaziz Al Thani. Ayon sa kanya, darating na ngayong Lunes ang mga nasabing bakuna at tuluyan na itong maibibigay sa bawat isa ayon sa nakatakdang mga health protocols.
Naniniwala ang Prime Minister and Minister of Interior na ito'y isang importanteng hakbang upang tuluyang makontrol ang pandemya sa bansa at magsimulang bumalik sa normal ang buhay. Nagpahayag din ng pasasalamat ang Opisyal sa mga medical teams at lahat na kabahagi nito.
Narito ang kanyang tweet sa wikang Arabic:
Samantala, matatandaan na sa panayam kay Dr. Abdul-Wahab Al Musleh, Advisor to the Minister of Public Health for Sports and Emergency Affairs, ang prayoridad sa bakuna ay ibibigay sa mga matatanda at mga may malalang sakit, kasama rin ang mga frontliners.
Ang bakuna ay unti-unting maibibigay sa lahat ng publiko sa mga susunod na buwan, ayon pa kay Dr. Al Musleh.
Para naman sa mga Pilipino expats sa Qatar, ang tumanggap ng libreng bakuna para sa COVID-19 mula sa pamahalaan ng Qatar ay isang napakalaking bagay. Kung kaya't sa ngayon pa lang, lubos na nagpapasalamat na ang mga Filipino expats sa pamahalaan ng Qatar sa pamumuno ni His Highness the Amir, Sheikh Tamim Bin Hamad Al Thani.
Comments